Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bagong baril ng mga pulis, nai-deliver na lahat

$
0
0
FILE PHOTO: The Glock 17 Gen4 handgun (Photo: Andrew Linnett / MOD)

FILE PHOTO: The Glock 17 Gen4 handgun
(Photo: Andrew Linnett / MOD)

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang delivery ng Glock 17 9mm na baril na binili ng Philippine National Police (PNP) para sa kanilang mga tauhan.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, naideliver na noong nakaraang buwan ang may 37, 301 units ng baril na kakulangan sa naunang ipinamahagi ng pangulo na 37,578 noong buwan ng Agosto.

“Actually, nai-deliver na lahat as of December 23 and its very early kahit hindi pa deadline,” saad nito.

Sinabi pa ng heneral na malaking tulong ito upang magampanan ng maayos ng mga pulis ang kanilang mga trabaho, lalo na’t may mga international events na mangyayari sa bansa ngayong taon.

“We are preparing our policemen to secure the areas kung saan gaganapin itong mga meetings na ito,” saad ni Purisima.

Dagdag pa nito, nakatipid ang pamahalaan sa naturang procurement ng nasa P200-milyon dahil nabili lamang nila ang bawat isang unit sa halagang P16,559 kumpara sa P40,940 na retail price nito. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481