QUEZON CITY, Philippines — Umabot na sa 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng bagyong Agaton.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 65 ang naitalang sugatan habang 6 naman ang nawawala.
Mahigit na rin sa 150,000 pamilya ang inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Davao Region, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Nasa walumpung kalsada at tulay din ang hindi madaanan dahil sa baha at landslide habang ilang tubo ng tubig naman ang napinsala sa dalawang barangay sa Lanao del Norte.
Sa pagtaya ng ahensya, aabot na sa mahigit P328-Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Agaton. (UNTV News)