Statement of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas:
On Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.’s privilege speech
[Released on January 20, 2014]
Naiintindindihan ko kung bakit galit si Sen. Bong Revilla sa mundo. Mahirap ang sitwasyon niya na may COA documents at testigong nagapapatunay ng koneksyon niya sa Napoles scam. Pero hindi solusyon sa problema niya ang paglilihis ng isyu, pagbaluktot sa katotohanan at panloloko ng tao.
Sagutin na lamang niya ang mga sinabi ng mga testigo laban sa kanya at ipaliwanag na lamang niya ang mga dokumentong nag-uugnay sa kanya sa Napoles scam.
Sa isyu naman ng pagpupulong nila ni Pangulong P-Noy, natural sa Pangulo na humarap sa matataas na opisyal ng bayan.
Dati kaming magkasama ni Senator Bong sa Senado kaya nang iparating niya na mayroon siyang gustong i-take-up sa Pangulo kasama ang Cityhood ng Bacoor at ang kanyang pagiging Pangulo ng Partido Lakas, gumawa ako ng paraan para magkausap sila.
Noong oras na iyon, wala sa Malakanyang at nasa Bahay Pangarap ang Pangulo. Para matugunan ang reglamento ng PSG at hindi na maaberya si Senator Bong, ako na ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa Bahay Pangarap.
Tungkol naman sa isyu ng plaka, kasinungalingan ang sinabi niya na tinanggal ko ang plaka ng sasakyan ko bago kami pumunta sa Bahay Pangarap. Hindi talaga ako gumagamit ng official plate. Hindi ito nakakabit sa sasakyan ko. Ang ginagamit ko ay ang regular na plaka na iniisyu ng LTO. Kahit na sino ang nakakakilala sa akin nang matagal, hindi ako gumamit nang otso na plaka noong kongresman, siyete noong senador at sais nang Cabinet Secretary. Hindi ko nakaugalian na ikabit ito sa aking sasakyan.
SOURCE: http://www.gov.ph/2014/01/20/statement-of-secretary-roxas-on-senator-revilla-january-20-2014/