Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsusuot ng vest ng mga motorcycle rider, muling binuhay ng QCPD

$
0
0
Ipinapakita ng isang miyembro ng Quezon City  Hall Employees Riders' Association ang kanyang vest may nakalagay ng plate number ng motor nito. (UNTV News)

Ipinapakita ng isang miyembro ng Quezon City Hall Employees Riders’ Association ang kanyang vest may nakalagay ng plate number ng motor nito. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling binuhay ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsusuot ng vest ng mga motorcycle rider sa lungsod.

Ito ay upang maiwasan ang mga krimen na dulot ng riding in tandem criminals.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Richard Albano, makikipag-usap siya ngayong Martes sa mga local government unit upang irekomendang isama ito sa kanilang ordinansa.

“Meron nang panukala si Coun. Leodivica noon kaya lang tinutulan ito, pero nakipag-lobby ako sa ibang konsehales at meron lang babaguhin ulit,” saad ng opisyal.

Base sa tala ng QCPD, mayroon nang 12 kaso ng riding in tandem criminals sa pagpasok pa lamang ng taong 2014.

Ani Albano, “Sinasabi natin na isuot yung vest na nandon yung plate number para kung ano man ung gagawin mo ay ma-identify yung plate number na yan.”

Samantala, hindi na rin pinagtatagal sa pwesto ng heneral ang mga tauhang nalulusutan ng mga kriminal at sunod-sunod ang patayan.

Tinanggal nito sa tungkulin sina Police Community Precinct Commander SPO1 Armando Peñaflor Jr. ng PCP Commonwealth at Sr. Insp. Alex Baroga ng PCP Batasan .

“What is the purpose of your being there, kung di mo kaya ay lumayas ka sa police service dapat diretso lang straight forward kahit maraming batikos stand tall, di ka magkakamali kung isipin mo lang ano ba trabaho ko bilang pulis,” saad pa ni Albano.

Si SPO1 Peñaflor ay pinalitan sa pwesto ni SPO2 Alfredo Pacoma, habang si Sr. Insp. Baroga naman ay pinalitan ni SPO1 Dennis Obrique. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481