Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ani ng palay noong 2013, record breaking sa kabila ng mga kalamidad — DA

$
0
0
FILE PHOTO: Mga nag-aani ng palay sa Luna, La Union (RICHART CORTEZ / Photoille International)

FILE PHOTO: Mga nag-aani ng palay sa Luna, La Union (RICHART CORTEZ / Photoille International)

MANILA, Philippines — Nakuha pang lampasan ng ani ng palay noong 2013 ang produksyon noong 2012 sa kabila ng magkakasunod na mga kalamidad na dumaan sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, nakapagtala ang bansa ng record breaking na produksyon ng palay noong 2013 na umabot sa 18.44 million metric tons (MT).

Mas mataas ito ng 2.26% kumpara sa produksyon noong 2012, at 8.08% naman kung ikukumpara noong 2011.

Ayon sa kalihim, malaki ang kontribusyon sa produksyon ng palay ang mga rehiyon sa Central Luzon, CARAGA, Soccsksargen, Bicol Region at ARMM. Nakatulong rin sa pagganda ng produksyon ang mababang insidente ng pananalasa ng mga peste.

“Yan po ang pinakamataas na produksyon ng palay sa bansa kahit po panahon ng kastila hanggang ngayon,” pahayag ni Alcala.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya naabot ng Pilipinas ang self sufficiency level.

Nakapagtala ng 97% sufficiency ang DA sa kabila ng mga kalamidad na dumaan sa bansa lalo na ang pananalasa ng Bagyong Santi sa northern at central Luzon at ni Super Typhoon Yolanda sa Visayas.

Pagaaralan naman ng National Food Authority Council kung mangangailangan pang umangkat ng bigas ngayong 2014.

Bago matapos ang 2013 ay nagdesisyon ang NFA council na umangkat ng 500k mt ng bigas upang masustinehan ang kakulangan at pangangailangan sa relief operation sa mga napinsala ni Yolanda.

Inaasahang matatapos ang delivery nito ngayong Marso.

Maglalagay din ng sistema ang Department of Agriculture upang mabalanse ang supply at presyo ng bigas sa lean months o panahon ng taniman.

“Ang problema po natin yung pong in between ng dry season at wet season cropping yung lean months, kung sakaling hindi ganoon kadami ang hawak ng NFA na volume ay may pagasa pong medyo ma-blackmail tayo ng pribadong sektor,” pahayag pa ni Alcala. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481