California, USA – Habang nagyeyelo sa ibang parte ng North America, matinding tagtuyot naman ang nararanasan sa West Coast partikular sa California.
Batay sa ulat ng U.S. Drought Monitor, mababa ang snow fall ngayong winter at aabot lamang sa dalawampung porsyento ang naranasang ulan sa estado nitong mga nakalipas na buwan na nag-resulta sa pagbaba ng libel ng tubig sa reservoir.
Kapag nagpatuloy ang nararanasang tagtuyot, nangangamba ang lokal na pamahalaan na maaari itong magresulta sa panganib at sunog.
Bunsod nito, nagdeklara na si Governor Jerry Brown ng drought emergency sa California kasabay ng panawagan sa mga residente na magtipid sa paggamit ng tubig.
Umaasa naman ang mga naninirahan doon na magkakaroon na ng ulan upang maibsan ang tagtuyot na dinaranas sa kanilang lugar. (Christie Rosacia / Ruth Navales, UNTV News)