(Reuters) — Kinumpirma ng mga awtoridad sa China na may pangalawang biktima na tinamaan ng bagong H10N8 bird flu virus. Ang bagong biktima ay isang matandang babae na may edad na 55 taon ayon sa report ng news agency na Xinxua.
Ang biktima ay naisugod isang pagamutan sa Nanchang sa Jiangxi nitong Enero 15, 2014. Inirereklamo ng pasyente ang pamamaga ng lalamunan at pagkahilo.
Ayon pa sa ulat, lumabas sa imbestigasyon na ang naturang biktima ay na-exposed sa isang palengkeng pang-agrikultura.
Noong buwan ng Disyembre, kinumpirma ng China ang kauna-unahang kamatayan mula sa H10N8 bird flu virus na nagmula rin sa Nanchang.
Matatandaang nitong nakaraang taon, ang strain ng bird flu virus na H7N9 ay kumitil ng 52 katao mula sa 200 na naapektuhan mula sa China, Taiwan at Hongkong.
(Reporting by Ben Blanchard; Editing by Paul Tait)