CALOOCAN, Philippines — Excited na muling umawit sa grand finals ng A Song of Praise o ASOP Music Festival Year 3 ang interpreter na si Gail Blanco matapos tanghalin bilang monthly winner ang awiting “Ikaw Ama ang Tangi Kong Minamahal”.
“Ang sarap ng feeling, for one, you get to also help the composer… Sabi ko, iba ‘yung pakiramdam when you’re in Araneta, performing your song,” ani Gail.
Ganito ang nadama ng power ballad diva na si Gail Blanco nang pumasok sa grand finals ang kanyang inawit na “Ikaw Ama ang Tangi kong Minamahal” sa A Song of Praise o ASOP Music Festival year 3.
Ngayon naman sa awiting nilikha ni Ralph Lauren Refil, susubukan niyang muling ipanalo ang isang power ballad genre.
Pahayag ng composer na si Refil, “Talagang masayang-masaya po ako ngayon at napasali ako ngayon sa grand finals po. Finalist po ng A Song of Praise Music Festival at salamat po uli unang-una sa Dios at sa kanya po, kay Ma’am Gail.”
Nakatunggali ng nasabing awitan ang “Oh Dios, Kaybuti Mo” ni Rolando Dela Cruz na inawit ng rockstar vocalist na Joseph Aldana at “Ang Pag-Ibig Mo” ni Jaime Enriquez sa rendisyon naman ng R&B singer na si Bryan Olano.
Bago naman ini-announce ang winner, pinaunlakan muna ng panauhing hurado na si Tina Paner ang hiling ng studio audience na isang awit. (ADJES CARREON / UNTV News)