Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagkakaroon ng bagong voting machine, pinag-aaralan ng COMELEC

$
0
0
FILE PHOTO: Ang PCOS machine habang inihahanda ng mga Board of Election Tellers sa paggamit nitong nakaraang 2013 Midterm Elections sa isang presinto sa Cebu.  Bagama't nabili na ng COMELEC ang mga PCOS machines na ito mula sa SMARTMATIC, hindi naman isinasara ng Komisyon ang pagkakaroon ng mas bago at mas maayos na mga voting machines dahil sa pag-usad ng teknolohiya. (JULIUS CASTROVERDE / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang PCOS o Precinct Count Optical Scan machine habang inihahanda ng mga Board of Election Tellers sa paggamit nitong nakaraang 2013 Midterm Elections sa isang presinto sa Cebu. Bagama’t nabili na ng COMELEC ang mga PCOS machines na ito mula sa SMARTMATIC, hindi naman isinasantabi ng Komisyon ang ideya na pagkakaroon ng mas bago at mas maayos na mga voting machines dahil sa pag-usad ng teknolohiya. (JULIUS CASTROVERDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga PCOS o Precinct Count Optical Scan machine na binili sa kumpanyang Smartmatic na ginamit noong 2010 at 2013 nationwide automated elections.

Partikular na ipinasusuri kung maayos pang magagamit ang hardware system ng mahigit 82,000 na makina makalipas ang apat na taon.

Ayon kay Director James Jimenez, pinagiisipan ng COMELEC kung tuluyang isasantabi na ang mga ito at bibili ng bago.

“Gusto natin na i-explore yung possibility na ‘what if there are better system?’ Like I said, maganda na tayo dun sa sistemang ginamit natin pero syempre umuusad rin naman yung teknolohiya so kelangan maging bukas rin tayo dyan,” pahayag nito.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na desisyon ang commission en banc kaugnay sa pagkuha ng bagong voting technology.

Nakatutok pa rin ito sa paghahanda ng continuing voters registration at sa pagpapatupad ng mandatory biometric system simula sa Abril.

Subalit sinabi ni Jimenez na upang hindi magahol sa panahon, dapat nang simulan ang bidding process pagpasok ng 2015.

Tiniyak din nito na isasapinal ng en banc ang desisyon bago tuluyang magretiro ang dalawang senior commissioner kasama si Chairman Sixto Brillantes Jr. sa February 2015.

“Hindi pwedeng iiwan dun sa bagong darating, kasi yung bagong darating eh darating 2015, one year before the elections so hindi sya ganung ka-stiff sa information at sa technology.”

Sinabi pa ni Director James Jimenez na kung bibili ng bagong voting machine ay kailangang maaprubahan ang malaking pondo na nagkakahalaga ng P11.3 bilyon.

Saad nito, “Among other things, kaya mura yung ginagamit natin ngayon, relatively speaking kasi isa lang per precinct, kapag gumamit ng touch screen na voting, isa yun sa umuusbong na terknolohiya na dating pinaguusapan na pero ngayoy pinaguusapan uli, more than one per precinct, atleast 4”

Samantala, nilinaw rin ni Jimenez na hindi ang pagtutol ng ilan sa PCOs machine ang dahilan ng pagiisip ng COMELEC na bumili ng bago.

Naniniwala ito na tanggap na ng karamihan at alam na ang paggamit ng lumang makina.

“Kung talagang titignan mo yung datos, yung publiko walang problema, hindi sila nagrereklamo, ang nagrereklamo yung natalo,” dagdag pa nito. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481