MANILA, Philippines – Humarap sa Sandiganbayan 3rd Division si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson para sa arraignment ng kanyang tatlong kasong katiwalian.
Hiniling ng abogado nito na si Atty. Francisco Tolentino na ipagpaliban ang arraignment sa ika-anim ng Mayo, 1:30 ng hapon.
Ayon kay Singson, may pending silang mosyon sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.
Si Singson ay kinasuhan kaugnay ng umano’y pag-gamit nito sa P26 milyon tobacco excise tax ng lalawigan noong 2001. (UNTV News)