Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

FDA, nagbabala sa maling unawa sa paggamit ng food supplements

$
0
0

Samples of food supplements (REUTERS)

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa masamang epekto ng maling pagkaunawa at paggamit ng mga food supplement.

Paalala ng FDA, huwag umasa na ang isang food supplement ay nakakagaling ng sakit.

Ayon kay Acting FDA Director General Kenneth Hartigan-Go, may ilang kaso na rin silang natanggap na imbes na gumaling ay lumalala pa ang sakit ng isang pasyente matapos uminom o gumamit ng food supplement.

“Mga clinicians na kasama natin ay nagsasaad na may nakikita silang mga pasyente nila na hindi na gumagamit ng dapat nilang gamitin na gamot at pagbalik nila ay lumala na yung kanilang kundisyon dahil napabayaan,” saad nito.

Paglilinaw ni Go, ang mga food supplement ay hindi gamot sa sakit kaya’t mababasa sa label ng mga produkto ang mga katagang “no approved therapeutic claim”.

“The food supplements are legal products that we allow in the market as an aid to general health and nakalagay doon “no approved therapeutic claim” simply na hindi siya gamot na pampagaling sa isang kondisyon.”

Ayon pa kay Go, magkaiba ang dinadaanang proseso ng pag-apruba sa mga gamot at food supplement.

Aniya, “Meron siyang dinadaanang testing at validation para malaman na itoy parmakolohiyang produkto na pwedeng magpagaling so more rigorous ang requirements for medicines.”

Aminado naman ang FDA na kulang sila sa gamit subalit may paraan sila upang mapanatiling ligtas ang mga produktong pinapayagan nilang ibenta sa merkado.

“Hindi lahat ng produkto ay pinapasok sa laboratory testing, so we do other form of validation sa mga papeles para malaman kung ito ay lehitimo o hindi.”

Sa ngayon ay may Health Scam Unit ang FDA na magiimbestiga sa maling promotion ng mga produkto.

Ayon kay Go, makatutulong din ang publiko kung ire-report o isusumbong ang mga mapapansin na masamang epekto ng isang produkto.

Nagsasagawa din sila ng post market surveillance upang obserbahan ang pagbebenta ng mga produkto kung sumusunod ito sa mga itinakdang standard ng FDA.

“It is reporting na nakita nila may masamang nangyari at sinususpetsa nila na itong produkto ay may kinalaman sa bad outcome ng isang pasyente,” dagdag pa nito.

Para makatiyak kung rehistrado ang bibilhing food supplement, maaaring bisitahin ang www.fda.gov.ph at maaari ding makipagugnayan sa 8571900. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481