Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Biyaya”, unang weekly winner sa buwan ng Pebrero sa ASOP TV

$
0
0

Sina Brenan Espartinez (interpreter) at Meldin Nabia (composer) para sa tinanghal na ASOP Song of Week na ‘Biyaya’. (CHARLIE MIÑON / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nagwagi bilang song of the week ang entry ng nagbabalik contestant na si Meldin Nabia sa A Song of Praise o ASOP Music Festival, Linggo.

Pasok na sa February monthly finals ang awiting “Biyaya” na binigyang buhay ng R&B singer na si Brenan Espartinez.

Pahayag ni Meldin, “Tuwang-tuwa ako nung narinig ko ‘yung boses niya, ‘yung kanta ko kinanta pa.”

Malaki naman ang pasalamat ni Brenan na muli syang naging bahagi ng ASOP sa ikatlong taon nito.

Aniya, “Sobrang thankful din ako and blessed always na maging bahagi ng ASOP and ito ‘yung first song na in-interpret ko for season 3, for year 3.  So, mapalad din ako na ako ‘yung napili ni Kuya.”

Tinalo ng naturang awit ang mga komposisyon nina Irene Rama na “Nasa Nitong Puso” na inawit ng ASOP year 1 finals interpreter Aia De Leon, at ni Reymil Anania na “Isang Gintong Pagpapala” na ininterpret naman ng singing champion na si Beverly Caimen. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Nakasama ng regular judge na si “Doctor Musiko” Mon Del Rosario sa panel ng hurado ang mga sikat na mang-aawit na sina Tina Paner at Ito Rapadas. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Ang mga nagsilbing hurado sa ASOP weekly elimination nitong Linggo. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481