Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Regular na pag-eehersisyo, isinusulong ng UP Manila College of Medicine

$
0
0

Ang event ng UP Manila College of Medicine na naglalayong maghikayat sa publiko na mag-ehersisyo nang regular. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isinusulong ng University of the Philippines-Manila (UP) College of Medicine ang regular na pag-eehersisyo upang makaiwas sa mga malulubhang sakit.

Payo ni Dr. Agnes Mejica, ang Dean ng UP College of Medicine, mabuti sa katawan ang pag-eehersisyo ng 20-30 minuto, talong beses o higit pa sa loob ng isang linggo.

“Stay on good diet start exercising yung exercise na gusting gusto nila.”

Dagdag pa nito, “laging may regularity laging ginagawa 3 times a week.”

May mga alternatibong pamamaraan ng pag- eehersisyo gaya ng paglalakad, pagtakbo, paglangoy o anomang pwedeng pampa-pawis.

Para kay Ms. Philippines Fire 2013 Alma Cabasal, ang pagtakbo ang pinaka-mabuting paraan ng pag-eehersisyo.

“Running is a best way of exercising for everyone. It’s cheap, it’s free technically its good full body work out,” pahayag ng beauty queen.

Para naman sa mga taong busy o walang panahon sa pag-eehersisyo, mayroon ding paraan upang makapag-sunog ng calories sa loob lamang ng 5 minuto. Ito ay tinatawag na high intensity exercise o pag-eehersisyo ng mabilis at walang patid.

Ayon kay Dr. Mejica, “Circuit training high intensity for 5mins, pushups, squats na gagawin ng mabilis in 5 mins.”

Mga benepisyo ng pag-eehersisyo:

1. Nakakatulong upang humaba ang buhay

2. Binabawasan ang panagnib dulot ng sakit sa puso

3. Nakakatulong sa pag-iwas sa diabetes

4. Binabawasan ang pag-buo ng colon cancer

5. Tumutulong sa pagkontrol sa timbang

Kaugnay nito, isang family fun run ang matagumpay na isinagawa ng UP Manila College of Medicine na may temang “Road to Wellness: A Family Fun Run” sa Liwasang Ulalim, CCP complex sa Pasay.

Dinaluhan ito ng halos limang-daang katao na nagnanais sumigla at bumuti ang pangangatawan.  (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481