QUEZON CITY, Philippines — Pinirmahan na ng Commission on Human Rights at Philippine National Police ang panibagong kasunduan para sa mas mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang pang aabuso sa mga detainee sa mga kulungan sa bansa.
Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales, ang naturang kasunduan ay bahagi ng pagpapaigting ng kanilang pagbabantay upang tuluyang maiwasan ang pang aabuso sa mga bilanggo.
Nangako naman ang PNP- Human Rights Affairs Office na mahigpit nilang minomonitor ang kanilang mga tauhan.
Naniniwala ang Commission on Human Rights na kung may sapat na kaalaman sa paggalang sa karapatan ng bawat isa, kasabay ng mahigpit na implementasyon ng PNP ay tiyak na maiiwasan na ang pang-aabuso ng mga pulis sa mga detainee. (UNTV News)