Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa international sports competition, isinisi sa kakulangan ng pondo

$
0
0

FILE PHOTO: Ang delegasyon ng Pilipinas noong London 2012 Olympics (REUTERS)

PASAY CITY, Philippines — Kakulangan sa pondo ang isa sa mga nakikitang dahilan ng ilang sports official kung bakit hindi nagiging maganda ang performance ng ating mga atleta’t manlalaro.

Dumalo sa Senate inquiry sa kasalukuyang estado ng Philippine sports ang ilang sports officials ng bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports kanina, na pinangunahan ni Committee Chairman Senator Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, pinag-usapan ang mga “stakeholder-driven and sustainable” sports program para sa ating mga atleta’t manlalaro.

Ito aniya ay kasunod ng poor performance ng Philippine delegation sa kakatapos lamang na Southeast Asian Games o SEA Games  na ginanap sa Myanmar noong Disyembre.

Pinuna rin ni Senator Antonio Trillanes IV ang ranking ng Pilipinas sa SEA Games.

Aniya, taong 2005 nang naging overall champion ang bansa ngunit unti-unti itong bumaba sa pagdaan ng panahon.

Pinuna rin ni Angara ang hindi pa pagkakapanalo ng gold medal ng Pilipinas mula nang sumali ito sa Olympic Games noong 1924.

Aniya, ang huling pagkapanalo ng bansa sa olympics ay noon pang 1996 nang makuha ng  silver medal  ang boksingerong si Mansueto Onyok Velasco.

Isa naman sa nakikitang dahilan ng ilang sports officials dito ay ang kakulangan ng financial support ng pamahalaan sa mga national sports association.

Pahayag ni Philippine Olympic Committee Gymnastics President Cynthia Carreon, “The reason we’re going down is because other countries are getting more money and we’re not getting any support. We don’t have any funds.”

Ayon pa kay Commissioner Luis Gomez ng Philippine Sports Commission o PSC, P8.5 billion ang inilalaan ng Singapore at Ondonesia sa kanilang sports program; P4.2 billion sa Thailand; P1.2 billion sa Malaysia; habang P883 million lamang sa Pilipinas.

Samantala, patuloy namang isinusulong ni Trillanes ang pagtatayo ng Department of Sports bilang solusyon sa problema sa kasalukuyang setup ng sports sa bansa.

Pahayag ni Sen. Trillanes, “Ang gagawin natin, ire-restructure natin lahat, para matutukan talaga ng national government ang sports program.”

Bukod dito, pinapagawa na ni Angara ng roadmap ang PSC sa mga long-term plan nito para sa Philippine sports. (BIANCA DAVA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481