USA — Tatlong estado na sa East Coast ang isinailalim sa state of emergency bunsod ng pananalasa ng winter storm sa Amerika.
Kabilang sa mga ito ay ang New york, New Jersey at Mississippi
Sa New York at New Jersey, nakararanas na ng shortage sa asin na ginagamit sa pag-alis ng snow sa daan.
Kanselado na ang mga klase at pasok sa opisina sa mga nabanggit na lugar.
Mahigit sa 2,000 flights na rin ang kinansela sa iba’t-ibang paliparan.
Umaabot na sa isang milyong residente sa northeast ang walang supply ng kuryente.
Ayon sa National Weather Service, asahan pa ang makapal na snow sa mga estado ng New Mexico, New York, Ohio, Oklahoma, Pennyslvania, Rhode Island, Wyoming at Vermont.
Sa ngayon, tatlo na ang iniulat na nasawi dahil sa winter storm sa Northeast at Widwest America. (REUTERS / UNTV News)