Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pacquiao, nangakong magiging agresibo sa rematch fight vs. Bradley

$
0
0

Ang paghaharap ni 8th time division World Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Timothy ‘The Desert Storm’ Bradley sa kanilang 2nd US Press Conference Tour para sa kanilang kanilang ikalawang laban na gaganapin sa Las Vegas sa April 02, 2014. (ERNESTO ‘Papas’ Fernandez Jr. / Photoville International)

NEW YORK CITY — Muling nagharap sa New World Stages building sa New York sina eight-division world champion Manny Pacquiao at WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr. para sa promotional tour ng kanilang sagupaan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Bradley, gusto niyang patunayan sa buong mundo na siya talaga ang nanalo sa una nilang pagsasagupa ni Pacquiao magdadalawang taon na ang nakalipas.

Magugunitang noong June 2012, naagaw ni Bradley ang WBO welterweight title sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision.

Pahayag nito, “The first time around no one believed that I won that fight against Manny Pacquiao, but this second time around I have to make it more decisive in everybody’s eyes  including you guys, that I win this second fight.”

Tiniyak naman ni Pacquiao na ipakikita niyang muli ang kaniyang killer instinct sa nalalapit na laban kay Bradley.

Naunang pinatutsadahan ni Bradley na naging masyadong mabait si Pacquiao sa huling laban nito kay Brandon Rios noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pahayag ni Manny, “This time around I have to get it back and show that I still have that aggressive and killer instinct.”

Sinabi naman ng trainer na si Freddie Roach na makikita ni Bradley kung talagang wala na ngang killer instinct si Pacman.

“Timothy Bradley says that Manny lost his killer instinct, we will see.” — Team Pacquiao’s Coach Freddie Roach. (AARON ROMERO / Photoville International / UNTV)

Samantala, kaugnay sa pinaka-aabangang sagupaang Pacquiao-Floyd Mayweather Junior, sinabi ni Top Rank founder at CEO Bob Arum na hindi magkakaroon ng katuparan ang paghaharap ng dalawa sa ring.

Ayon kay Bob Arum, “He doesn’t want to fight south paws, because south paws are contrary to his boxing style. And particularly doesn’t want to fight speedy south paws like Pacquiao. And for that reason, he’s not gonna fight Pacquiao. All of this stuff is for show. It’s like one demand after another demand. But like I told Manny, you can’t keep agreeing to the demands, because once you agree to one, there will be another one.”

Sinabi pa ng Top Rank CEO na malaking banta si Manny sa undefeated record ni Mayweather.

“Pacquiao is really a threat to Floyd’s undefeated boxing record. The guy doesn’t wanna fight you, there’s nothing you can do about it.” — Top Rank CEO Bob Arum (AARON ROMERO / Photoville International / UNTV)

Kaugnay nito, tiniyak rin ni fighting-congressman na hindi makakaapekto sa kanyang pageensayo ang kanyang tungkulin sa kamara.

“Time management lang, lahat naman magagawa natin basta i-manage lang ang ating time,” saad ni Manny.

Inaasahang babalik ng Pilipinas si Manny sa Sabado para mag-ensayo, at pagkatapos ay magtutungo na ito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California para mag-ensayo. (Aaron Romero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481