Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kasali sa UNTV Cup Season 2, bibigyan ng pagkakataong makapag-ulat sa masa

$
0
0

Si Mr. Public Service Kuya Daniel kasama ang mga UNTV Cup Season 2 team managers, coaches, commissioners at officials sa isang ginawang press conference sa nakatakdang pagpapasimula ng liga sa February 11 sa SMART-Araneta Coliseum. (RUSSEL JULIO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Sa layuning mapaigting pa ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang pagiging “public service channel” ng UNTV, inilatag nito ang ideya ng pagkakaroon ng sariling reportorial team ang bawat ahensyang kasali sa UNTV Cup Season 2.

Ang naturang reportorial team ang magbabalita ng anumang positibong update tungkol sa kani-kanilang ahensya.

Ayon kay kuya, “One of the frustrations of these departments is yung gusto nilang ilabas na balita, hindi nalalabas sa balita, yung minsang negatibong balita, yun ang nakukuhang balita sa kanila so para mabalanse rin ang aking parang inisip na suggestion sa kanila which we will follow-up ay yung magkaroon sila ng sarili nilang reporter who will be taken as an organic reporter also of UNTV and they will be reporting anything na gusto nilang ilabas.”

Nilinaw din ni Kuya Daniel ang magiging restriction sa bawat ulat na gagawin ng mga ahensyang ito.

“Hindi namin i-e-edit ito or hindi natin haharangin or things like that, well as long as good for broadcast. Alam naman nila kung ano yung libelous, we know that they are responsible enough, bibigyan lang natin sila ng guidelines pero di natin i-e-edit yun.” — Mr. Public Service Kuya Daniel Razon (REY VERCIDE / Photoville International)

Ikinatuwa naman ng mga kalahok sa UNTV Cup Season 2 ang ideyang iniaalok ni Kuya Daniel sa kanila.

“Napakaganda nun ano, yung suggestion ni Kuya Daniel Razon na magkaroon ng reporter’s team wherein mabibigyan ng pagkakataon ang each government agency para ma-publicize or ma-ulat kung ano po yung mga accomplishment or any report ibahagi sa publiko so unang una ibinigay ito ng libre ng UNTV,” pahayag ni Raymond Acoba, PR Officer ng PhilHealth-NCR

Isa pa sa ideya na sinisimulan nang i-conceptualize ni Kuya Daniel ay ang pagkakaroon din ng liga para naman sa mga volleyball enthusiast.

“Isu-survey natin kung merong sapat na mga players sa mga iba-bang departamento ng volleyball ang mga babae kasi alam naman natin iba yung pagka babae, pagka nasa executive age na so it’s different as well so we have to find that out, we’ll try to come up with something na pepwede ring mai-offer na parang another venue.” (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481