MANILA, Philippines – Binigyan pa ng isang buwang palugit ang pamilya ng overseas Filipino worker na si Joselito Zapanta upang makalikom ng four million Saudi riyals (Php48 million) bilang blood money.
Si Zapanta ay hinatulan ng bitay sa Saudi Arabia matapos mapatay ang Sudanese landlord nito noong 2009.
Batay sa official twitter account ni Vice President Jejomar Binay, nagpapatuloy pa rin ang negosasyon ng pamahalaan sa pamilya ng biktima upang mapababa ang hinihingi ng mga ito na blood money.
Muli namang nanawagan si Binay sa mga Pilipino na ipanalangin si Zapanta at ang kanyang pamilya. (UNTV News)