MANILA, Philippines – Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni Lieutenant Junior Grade Raphael Marcial na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) kaugnay sa pamemeke ng Automated Teller’s Machine card (ATM).
Ayon kay AFP PIO Chief Lt. Col. Ramon Zagala, mahaharap si Marcial sa summary dismissal at masasampahan ng paglabag sa prejudicial to good order and conduct unbecoming officer and gentleman.
Bukod pa ito sa paglabag sa Republic Act 8484 o E-Commerce Law.
Sa ngayon ay nakakulong sa PSG Headquarters si Marcial at agad na iti-turn over sa Philippine Navy pagkatapos ng imbestigasyon.
“Kung meron tayong mga miyembro na lumalabag sa umiiral na batas ay sila ay dapat managot sa kanilang actions, ang ginawa ni Marcial (LTJG Raphael Marcial) ay wala sa standard na pinaiiral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” pahayag ni Zagala.
Dagdag pa nito,” Hindi tino-tolerate ng AFP, nagkasala siya as a person at kailangan niyang pagbayaran yun.”
Bagama’t nakapag-piyansa si Marcial ay maaari naman itong matanggal sa serbisyo kung mapatutunayang nagkasala. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)