MANILA, Philippines — Nangangailangan pa ng 17-libong fire fighters ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang makatugon sa international fire protection standard na 1 is to 2,000 ratio.
Ayon kay BFP officer-in-charge Chief Superintendent Carlito Romero, may kaugnayan ito sa tumataas na bilang ng mga bagong fire truck at mga kagamitang binibili ng pamahalaan.
Ayon kay Romero, habang dumadami ang bilang ng kagamitan ay nangangnailangan ng mas maraming tauhan.
76 na mga local government unit (LGU) na ang nabigyan ng DILG ng mga high-end Rosenbauer fire trucks.
Plano ng DILG na bumili pa ng karagdagang 300 fire trucks na ipamamahagi sa mga probinsya.
Magtatayo rin ng mas maraming fire station ang DILG upang makatugon sa 4 minute response time kapag mayroong sunog.
Sa pagtaya ng BFP, mas tataas pa ang bilang ng mga sunog ngayong buwan ng Marso sa pagpasok ng taginit.
Nagpaalala naman ang MERALCO na agad ipaalam sa kanilang tanggapan kung mayroong mga illegal connection.
“Ang mga illegal connections maaaring magdulot ng sunog kapag nag overload yung facility at mapeperwisyo dyan hindi yung gumawa ng illegal connection kundi ang buong komunidad,” pahayag ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)