Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting likha ni Fil-Am song writer Robert Lopez, itinanghal na ‘best original song’ sa Oscar Awards 2014

$
0
0

Kristen Anderson-Lopez and Robert Lopez hold their Oscars for best original song for “Let it Go” in the film “Frozen” at the 86th Academy Awards in Hollywood, California March 2, 2014 REUTERS/ Mario Anzuoni (UNITED STATES TAGS: – Tags: ENTERTAINMENT TPX IMAGES OF THE DAY)(OSCARS-BACKSTAGE)

HOLLYWOOD, California — Isang karangalan ang ibinigay ng Filipino-American sa Hollywood matapos magwagi ang kaniyang komposisyon sa annual Oscar Awards.

Ang awiting “Let It Go” na tinanghal na “best original song” ay mula sa panulat at komposisyon ng Filipino American na si Robert Lopez at asawa nitong si Kristen Anderson-Lopez.

Ito ay ginamit na theme song sa animated movie na “Frozen.”

Sa acceptance speech ng magasawa, sinabi ng mga ito na inspirasyon nila sa paggawa ng naturang awit ang kanilang dalawang anak.

Agad namang ipinaabot ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang pagbati sa mag-asawa.

“We certainly congratulate Mr. Robert John Lopez, and I think his wife, for their collaboration in coming up with the song ‘Let It Go’. And (when) i was in Washington, let me tell you that the cold didn’t bother me anyway,” ani Lacierda.

Nakuha rin ng “Frozen” ang best animated featured film.

Itinanghal naman na “best picture” ang British-American historical epic drama na “12 Years A Slave” na tungkol sa isang New York state-born free Negro na kinidnap at ibinenta upang gawing alipin.

Humakot naman ng parangal sa Academy Awards ang pelikulang Gravity na pinagbibidahan nina George Clooney at Sandra Bullock.

Pitong Oscar trophy ang nakuha nito na kinabibilangan ng best visual effects, best sound editing, sound mixing, best cinematography, best original score, best in film diting at best director para kay Alfonso Cuaron.

Tinanghal naman bilang best actor si Matthew Macconaughey para sa “Dallas Buyers Club”, habang nakuha ni Cate Blanchett ang best actress award para sa “Blue Jasmine”.

Best supporting actor and actress naman sina Jared Leto para sa “Dallas Buyers Club” at Mexican-Kenyan actress na si Lupita Nyong’o.

Hindi naman mawawala sa buong gabi ang musical performances nina Bette Middler, John Travolta, Pharrel Williams, U2, Pink at Idina Menzel na inawit ang “Let It Go”.

Nagbigay pugay rin ang mga celebrity sa mga namayapang kasamahan gaya nina Paul Walker, Philip Seymour Hoffman, Cory Monteith at iba pa.

Buhay na buhay rin ang awards night dahil sa host na si Ellen Degeneres na gumawa ng record breaking selfie sa twitter kasama sina  Meryl Streep, Brad Pitt, Angelina Jolie, Bradley Cooper, Jennifer Lawrence at iba pa.

Ang naturang larawan ay ni-retweet ng mahigit 2 million times kung saan naungusan na nito ang pic tweet ni US President Barack Obama na “four more years” na may 780,000 retweets. (Christie Rosacia / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481