MANILA, Philippines – Nakibahagi ang UNTV Fire Brigade sa ika-48 pagdiriwang ng Fire Prevention Awareness Month. Nakiisa ang UNTV sa isinagawang “Walk for Fire Free” ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ginanap sa Quezon City Circle.
Simula pa noong Agosto 2011 ay katulong na ng BFP ang UNTV Fire Brigade sa pagapula ng mga sunog sa kalakhang Maynila.
Nito lamang nakaraang linggo ay sumailalim sa training ang buong grupo para sa forest firefighting upang mas lalong mapaigting ang kakayahan sa pagapula ng sunog.
“Naisipan nating mag training ng ganun dahil may pinoprotektahan tayong part dito sa Metro Manila na kung saan nandun ang malaking supply natin ng tubig pag nagkaroon ng sunog maaaring makontamina yung source ng water ng Metro Manila so in-offer satin yung training,” pahayag ni UNTV Fire Brigade Chief, Angelo John Dela Paz.
Ang UNTV Fire Brigade ay isa lamang sa napakaraming public service na inumpisahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon upang makatulong sa ating mga kababayan. (UNTV News)