MANILA, Philippines — Nakuha ng Team Philhealth (Your Partner in Health) ang ikalawang panalo nito matapos talunin ang Senate Defenders sa pagpapatuloy ng elimination round ng UNTV Cup 2 sa Ynares Sports Arena, Linggo, March 02, 2014.
Tinambakan ng Team Philhealth ng 41 points ang Senate Defenders sa score na 103 – 62.
Naging matatag ang opensa ng Philhealth dahil sa ex-PBA player na si Poch Juinio.
Nagpakita rin ng magandang laro ang mga season-1 player nito na sina Kenneth Emata at Carlo Capati.
Sa kabilang koponan, pinangunahan ni Zaldy Realubit ang depensa ng mga taga Senado.
Dahil sa pagkapanalo, nadikitan ng Philhealth ang Team Judiciary sa leadership standing na 2 win 0 loss record.
“Nagkaisa naman kami kaya nanalo ngayon. Sabi lang ni coach wag lang tataas sa ulo yung kumpyansa, pagka nanalo, sa susunod uli. One game at a time ika nga ni coach,” pahayag ni Noriega.
Sa second game, bigo pa ring makapasok sa win column ang House of Representatives Solons matapos padapain ng PNP Responders sa score na 91-68.
Bukod sa mga guest player, apat na kongresista ang nagtulong-tulong laban sa koponan ng mga pulis.
Pumukol ng 10 points si Masbate 3rd District Representative Gerald Gullas. Walo naman ang ambag ni Palawan 1st District Representative Franz Alvarez.
Samantala, tig-lima ang naging kontribusyon nina Cibac Partylist Representative Sherwin Tugna at ang Solons captain ball na si Iloilo 5th District Representative Niel Tupaz Jr.
“Number 1 talaga yung depensa namin tapos ikontrol yung rebound. Yung transition game dahil yun nga yung sistema namin noong first season, gusto naming maibalik yun this season,” saad ni Abaya.
Nakapagrehistro ang AFP Cavaliers ng pinakamalaking kalamangan na 20 points sa third quarter ng laro.
Sa pagpasok ng fourth quarter, bumaba ang abante ng AFP sa 4-points dahil sa running game plays ng MMDA.
Subalit agad itong tinunaw ng mga sundalo upang dominahan ang laro at makamit ang kartang 2-1, panalo talo.
“Ngayon lang ako nakapaglaro talaga. Kulang talaga ng bigman ang AFP kaya talagang sa laban na ito talagang pinaghandaan ko talaga,” pahayag ni Fernandez. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)