MANILA, Philippines — Patuloy na dumarami ang tumatangkilik at dumudulog sa UNTV public service booth na makikita sa bawat venue ng UNTV Cup.
Sa ikaapat na linggo ng liga, umabot sa 102 ang dumulog sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Senate, Philippine National Police (PNP), Local Government Unit (LGU), PhilHealth at Department of Justice (DOJ).
Pinakamarami sa mga lumapit ay mula sa Philhealth booth na umabot ng 75, kung saan agarang nakakuha ng Philhealth ID.
“Para po sa akin malaking tulong po ito sa mga kagaya naming mahirap para hindi na po kami umakyat sa buildings ng Philhealth,” pahayag ni Gemma Caserial.
Dahil din sa government public service booths, mabilis na naaksyunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan gaya na rin ng nais ni Kuya Daniel Razon.
Sa mga nagnanais na dumulog, sumangguni o komunsulta sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno, maaari lamang pumunta sa Ynares Sports Arena sa Pasig tuwing araw ng Linggo. (UNTV News)