Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pasig River ferry, muling bubuksan sa Abril

$
0
0

Ang test run ng MMDA sa bus ferry nitong umaga ng Miyerkules para sa Pasig River Ferry na bubuksan na sa publiko ngayong Abril. (UNTV Drone Camera Capture)

MANILA, Philippines – Muling bubuhayin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River ferry bilang alternatibong transportasyon upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa pagsisimula ng kontruksiyon ng mga road project ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong 40-seater river bus ferry ang MMDA at madadagdagan pa ito dahil makakatulong ng ahensya ang mga pribadong sektor.

Magsisimula ang ruta ng river bus ferry sa Pinagbuhatan Pasig City at magtatapos naman hanggang sa may Plaza Mexico sa Escolta sa loob ng Intramuros.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, aayusin muna nila ang mga ferry terminal stations upang maihanda ito bago sumapit ang buwan ng Abril.

“Yung mga hagdanan paakyat sa mga stations ire-repair at mag-dredge ng kaunti, yung speed ng ferry natin times 2 na para mag-40 minutes, pangatlo medyo overloaded tayo kanina kasi marami talaga yung convenience ng pasahero madagdagan.”

Kaninang umaga ay nagsagawa ng ride test ang MMDA sa bus ferry. Alas-6:30 ng umaga umalis ang ferry sa Guadalupe Ferry Terminal, at umabot lamang ng 40 minuto nang makarating sa Sta. Ana Manila na kadalasang inaabot ng mahigit isang oras sa land travel.

Mahigit isang oras na byahe naman ng makarating ang ferry boat sa pinakahuli nitong istasyon sa Plaza Mexico sa Escolta.

Paguusapan pa ng MMDA at DOTC kung magkano ang itatalagang pasahe kada sakay sa ferry mula sa dating P25.000.

“Dalawa yung rates, sa air con at non air con siympre mas mababa sa ordinary,” saad ni Tolentino.

Ang pagbuhay sa Pasig River Ferry Service ay ipinanukala ng MMDA upang ma-decongest ang mga lansangan sa Metro Manila na maaaring maapektuhan ng labing-limang road construction projects na sabay sabay isasagawa sa loob ng dalawang taon.

Layon din nitong palakasin ang turismo sa Metro Manila at maaari din itong magamit para sa disaster at rescue operations tuwing may kalamidad. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481