MANILA, Philippines — Kinumpirma na kanina ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa pwesto nina Commission on Elections Commissioners Al Parreño at Luie Guia.
Ayon kay Senator Teofisto Guingona III, naniniwala ang komite na malaki ang maitutulong ng pagiging technological expert ni Commissioner Parreño sa pangangasiwa sa automated elections.
Samantala, maituturing naman na election expert si Commissioner Guia dahil sa mahigit dalawamput isang taon nitong karanasan sa halalan.
Ang dalawang COMELEC commissioner ay itinalaga sa pwesto ni Pangulong Aquino noong Abril noong nakaraang taon. (UNTV News)