MANILA, Philippines – Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hope Christian High School sa Sta. Cruz, Maynila matapos matanggap ang mga sulat mula sa Chinese students ng paaralan at 18 adopted students na kabilang sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda.
Walumput apat (84) na sulat ang natanggap ng Pangulo na ipinadala bago ang kaniyang kaarawan noong Pebrero 8.
Pangunahing nilalaman ng sulat ang pakikidalamhati ng mga estudayante sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Isa sa mga itinanong ng mga estudyante na taga-Tacloban ay kung bakit naging mabagal ang pagtulong ng national government sa mga tinamaang lugar ng Bagyong Yolanda.
Sagot ng Pangulo, bagama’t nakapaghanda ang pamahalaan sa paghagupit ni Yolanda ay hindi naman inaasahan ng lahat ang ginawang malaking pinsala ng bagyo. Dahilan upang ang mga sasakyan na magdadala ng tulong ay mahirapang makapasok sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Matapos na magpaliwanag ay humingi ng paumanhin ang pangulo sa mga estudyanteng naapektuhan ng bagyo.
“I apologized if we couldn’t act even faster pero the givens that we have had in various instances Pablo for instance yung were not present were it hit your region.”
Dagdag pa ng Pangulo, “Which tells us also na with anything else we are also student we want to learn from this experience and doing better next time.”
Samantala, kabilang rin sa mga katanungang sinagot ni Pangulong Aquino ay kung anong mga katangian ang hinahanap ni nito sa susunod na lider ng bansa.
Sagot nito, “As yung competence has to be demonstrated yun bang alam mo yung ampao na pagkain. Di ba yung ampao parang malasa pero sa loob mahangin.”
“Kung napapakinggan mo merong bang punto ang sinasabi niya, mukha bang totoo ang sinasabi niya o maganda lang pakinggan.”
Dagdag ng Pangulo, ibig din niya na ang papalit sa kaniyang posisyon ay may mababang kalooban.
“Klaro ba na yung mga gawain niya tungo sa kapakanan ng taumbayan o kapakanan ng sarili.”
“Siguro kakabahan ako kapag sumama kayo sa akin, gagawin ko ito, gagawin ko yan, gagawin ko yun, parang masyadong bilib sa sarili, binobola lang ako nun,” saad pa ng Pangulo.
Pinasalamatan din ni Pangulong Aquino ang mga estudyante at mga gurong patuloy na naniniwala sa mga repormang ipinatutupad ng pamahalaan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)