MANILA, Philippines — Binalaan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Palasyo at ang ilang kaalyado nito sa Kongreso na huwag magsabwatan hinggil sa pag-amiyenda sa 1987 constitution.
Binigyang diin ni Revilla na bukas siyang pag-aralan ang ilang probisyon pang-ekonomiya sa Konstitusyon.
Naaalarma naman ito sa impormasyon na ang planong “surgical” na pag-amyenda sa saligang batas ay panakip lamang sa umano’y tunay na hangarin nito na pag-amyenda sa mga political provisions ng batas.
Ilan sa mga ito ay ang term limits at depenisyon ng kapangyarihan ng tatlong co-equal na sangay ng pamahalaan.
Pinuna rin ng Senador ang pamamaraang nais ng mga kaalyado ng administrasyon sa pag-aamiyenda ng Konstitusyon.
Pagdidiin ng senador, mayroon lamang dalawang konstitusyonal na paraan para dito – ang constitutional convention at ang constituent assembly. (UNTV News)