Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Grupong magiging kritiko ng CIDG, binuo

$
0
0

Ang Group Advisory Council na binubuo ng mga taong mula sa academe, media, religious sector, at iba’t iba pang grupo upang punahin ang trabaho ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magiging maingat na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa kanilang mga desisyon at operasyon.

Ito’y kasunod ng kontrobersya ng delisting kay Delfin Lee.

Ayon kay CIDG Director, Chief Supt. Benjamin Magalong, bumuo sila ng Group Advisory Council na binubuo ng academe, media, religious sector, at iba’t iba pang grupo upang punahin ang kanilang trabaho.

“Sila yung titingin don sa aming transformation kung tama ba yung nirereport namin, tama ba yung scorecards namin, accomplishment namin, it takes a third party someone outside the PNP na magsasabi kung tama ba yung ginagawa ng CIDG.”

Sinabi pa ni Magalong na maaari ding magbigay sa kanila ng suhestiyon ang Group Advisory Council.

Handa naman ang bagong tatag na grupo na bantayan ang lahat ng galaw ng CIDG.

“Critics kami, yung mga workings ng CIDG ay maging transparent at maging base din yung aming advice sa kanila,” pahayag ni Ramon Casiple, ang chairman ng Group Advisory Council.

Naniniwala ang CIDG na malaki ang maitutulong ng outsiders sa pagbibigay ng advice para sa maayos nilang pagtatrabaho.

Inaasahan din ni Magalong na ang advisory council ang kauna-unahang nilang kritiko upang maitama kung anoman ang mali sa kanilang ginagawa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481