MANILA, Philippines – Tinambakan ng MMDA Black Wolves ang DOJ Avengers, 104 to 87, upang makausad sa second round elimination ng UNTV Cup Season 2 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, Linggo.
Pinangunahan ng reinforcement player na si Jeffrey Sanders ang koponan upang makamit ng Black Wolves ang 1-2 win-loss record.
Umambag rin ang traffic aide na si Harold Monzon ng 14 points at 13 points naman para kay Traffic Constable Ermel Idria.
Sa kabilang banda, hindi naging sapat ang 27 points ng DOJ reinforcement na si Ian Garrido upang makamit ang unang panalo.
Nanganganib na ang Avengers sa maagang pagka-eliminate dahil sa tatlong sunod na pagkatalo. Ang panalo ng Black Wolves ang nagbigay ng malaking tsansa sa koponan upang makarating sa second round.
“Napakahalaga yun kasi gusto pa naming humaba yung game namin kaya kelangan talagang manalo. Kaya sana suportahan pa nila ang MMDA,” pahayag ni Sanders, itinanghal na player of the game.
Sa second game, nagtapos sa 3-point lead ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra LGU Vanguards, 101 to 98 final score upang makamit ng Cavaliers ang ikatlong sunod na pagwawagi sa elimination round.
19-21 sa first quarter. Tabla sa 41 sa second period, sa third lumamang ng isang puntos ang AFP, 72-71.
Sa last 18 seconds ng laro, lamang ng 4 points ang Cavaliers. Hindi pumasok ang 3-point attempt ng perimeter shooter na si Kiko Adriano, ngunit nagawa ito ni San Juan Vice Mayor Francis Zamora sa huling pitong segundo.
Last two seconds, hawak pa rin ng Vanguards ang bola subalit kinapos na sila ng oras.
“Lumamang kami, lumamang sila, up to the last seconds hindi mo alam kung anong mangyayari. Pero ganun talaga ang basketball. Ang pinaka-importante dito nag-enjoy ang mga fans ng UNTV CUP,” saad ni Vice Mayor Francis Zamora.
“Alam namin na si Kiko Adriano at si Ervic Vijandre yung kanilang premiere scorer, somehow na-contain namin pero magaling talaga. This is a good win for us. With 3-1 ay papunta na kami ng quarter finals at least babalik uli kami magpa-practice uli kami,” saad ni Sgt. Zuñiga.
At sa third match, undefeated pa rin ang Philhealth (Your Partner in Health) sa score na 76 to 61 kontra sa Malakanyang Patriots.
Hindi umubra ang mga playing PSG ng Malakanyang sa kabila ng presensya na ni Coach Jenkins Mesina sa court na kumamada ng 6 na puntos.
Kapwa 11 points naman ang ipinukol nina Major Paul Yamamoto at Sgt. Joseph Besa.
Samantala, 22 points, 4 rebounds, 2 assists and 4 steals ang ibinigay ni Jesson Alfeche ng Philhealth upang hiranging player of the game.
“Yung lang kasi ang sinasabi ni Coach sa amin, yun sistema namin sa game plan namin, dun lang ang inistick naming,” saad ni Alfeche.
Ngayon, kapwa nasa ibabaw ang Judiciary Magis at Philhealth sa kani-kanilang grupo na may 3 panalo at walang talo. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)