Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Komposisyon ng dating ASOP year 2 grand finalist, wagi sa weekly round

$
0
0

“Ikaw Ang Aking Buhay” : Ang tinanghal na ASOP Song of the Week sa komposisyon ni Wilfredo Zabala (right) na binigyang buhay naman ni JV Decena. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – May pagkakataon na muling makasama sa year 3 grand finals ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival ang dating grand finalist na si Wilfredo Zabala matapos tanghaling song of the week ang kanyang entry nitong Linggo, March 16.

Nagustuhan ng mga huradong sina Arnel Ignacio, Jackie Lou Blanco at Mon “Doctor Musiko” Del Rosario ang obra ni Wilfredo na “Ikaw Ang Aking Buhay” sa interpretasyon ni Karaoke World Philippines Champion na si JV Decena.

“Talagang nagpapasalamat po ako sa Panginoon tsaka sa mga comments po ng judges. Medyo babaguhin ko po ‘yun para harinawa po makapasok sa monthly uli, susundin ko po ‘yung mga sinabi ng judges,” saad ni Wilfredo.

“First time na winning song and I’m very blessed na  si Sir Willy pa ‘yung  composer ko kasi, biruin niyo grand finalist na ‘di ba,” pahayag naman ni JV.  “Tapos ipinagkatiwala ‘yung song sa akin…thank you.”

Tinalo ng Ikaw Ang Aking Buhay ang mga awiting “Your Wondrous Work” ni Aldrin Ortua na inawit ni JM Joven at “Tanging Pag-asa” ni Kristine Juan na inawit naman ng telenovela diva na si Faith Cuneta. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

(Left-Right) Ang mga naging hurado: Mon “Doctor Musiko” Del Rosario, Jackie Lou Blanco at Arnel Ignacio. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481