Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pelikulang Isang Araw ni Kuya Daniel Razon, pinilahan ng mga Cebuano

$
0
0

Ang direktor, writer at pangunahing gumanap sa pelikulang Isang Araw na si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon sa kanyang pagbibigay ng mensahe sa mga dumalo sa special screening sa convention center ng J Centre Mall sa Cebu nitong Lunes ng hapon. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

MANDAUE CITY, Philippines — Pinilahan ng napakaraming manonood ang pelikulang Isang Araw na pinagbibidahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon sa Mandaue City sa Cebu, Lunes ng hapon.

Napuno ng mahigit sa isang libong manonood ang convention center ng J Centre Mall.

Bukod sa mga magagandang aral na mapupulot sa pelikula, enjoy na enjoy din ang mga Cebuano sa mga eksena sa pelikula.

“It’s a great movie its one of a kind,” saad ni Glena Fiel matapos mapanood ang Isang Araw.

Samantala, personal namang binisita ni Kuya Daniel ang mga Cebuano at nagbigay ng mensahe sa mga manonood.

“Ibig namin na sa iba’t ibang paraan ay maibahagi natin sa ating kapwa tao, na ang pagawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama,” pahayag ni Kuya. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)

Ang mga kababayan nating sumuporta sa special screening ng Isang Araw sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481