CEBU CITY, Philippines – Isang sports utility vehicle (SUV) ang bumangga sa nakaparadang pampasaherong jeep sa Mabolo, Cebu City, pasado alas-2 ng madaling araw noong Sabado.
Nagtamo ng sugat sa noo at sa kanang bahagi ng mata ang driver nito na kinilalang si Sherwin Nang, 25 anyos at nakatira sa Mandaue City.
Nagkaroon naman ng bukol sa kaliwang tainga at gasgas sa kaliwang paa ang jeepney driver na si Ranilo Dais dahil sa pangyayari.
Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ang dalawang biktima at dinala sa magkahiwalay na ospital. (UNTV News)