Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

CIDG, kumpiyansang hindi na makalalabas ng kulungan ang mag-asawang Tiamzon

$
0
0
March 24, 2014 PNP photo of Wilma Tiamzon and Benito Tiamzon

March 24, 2014 PNP photo of Wilma Austria-Tiamzon and Benito Tiamzon

MANILA, Philippines — Malabo nang makalabas pa ng kulungan sina Benito Tiamzon at asawang si Wilma Austria matapos maaresto sa Cebu noong isang linggo.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director Benjamin Magalong, matibay ang ebidensya laban sa dalawang lider ng rebeldeng grupong New People’s Army sa mga kinakaharap nitong kaso.

“Malakas yung kaso namin laban sa kanila sa Injpakan Leyte, at review pa namin yung mga cases sa Quezon at iba pang lugar at yung pieces of evidence ay intact,” saad nito.

Nakahanda naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tulungan ang PNP sa pagbabantay sakaling may magtangkang itakas ang mag-sawa sa custodial center sa Camp Crame.

“We are confident in the security preparations of the PNP, but in an attempt of any rescue we have not yet monitored but if there will be, we are always support of Philippine National Police in security,” pahayag ni AFP-PAO Chief Lt. Col. Ramon Zagala.

Tiniyak din nito na pinangangalagaan nila ang kalusugan ng magasawang Tiamzon sa loob ng kulungan kung saan regular silang sumasailalim sa check up dahil sa kanilang alta-presyon. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481