Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bagong COMELEC Advisory Council, nanumpa na sa tungkulin

$
0
0

COMELEC Advisory Council

MANILA, Philippines – Nag-convene at nanumpa na sa tungkulin ang bagong COMELEC Advisory Council (CAC) nitong Biyernes Siyam na miyembro ang bumubuo sa CAC na nagmula sa government sector, IT industry, academe, at non government electoral reform group na PPCRV at LENTE.

Chairman ng grupo si DOST Information and Communications Technology Office Executive Director Louis Napoleon Casambre.

Pangunahin sa mandato ng CAC ay magrekomenda at tulungan ang komisyon sa pagdetermina sa teknolohiyang gagamitin sa 2016 presidential elections.

Ayon sa batas, bago magpasya ang komisyon sa gagamiting sistema sa halalan ay kailangan muna ang rekomendasyon mula sa CAC.

Isang buwang pag-aaralan ng grupo ang mga posibleng gamiting voting technology sa 2016, kabilang dito ang optical mark recognition o OMR system kagaya ng PCos machine o kaya  ang direct recording electronic o DRE system na touch screen.

“We will recommend before the end of April but it’s the technology directions. So our first objective is to give guidance to the COMELEC about what are available technology,” pahayag ni CAC Chairman Usec. Louis Napoleon Casambre.

Ayon kay Commissioner Christian Robert Lim , pinuno ng 2016 election steering committee, bukod sa rekomendasyon ng CAC ay kailangan nang mabatid kaagad ang halaga ng pondo na magmumula sa kongreso bago magsagawa ng desisyon.

Ayon sa proposal ng poll body, P6.9 billion ang magagastos sa eleksyon kung gagamitin  pa rin ang 80-libong PCOS machine at dadagdagan pa ng anim na libong makina. P12 billion naman kung bago lahat ang makina na magpo-proseso sa 56 na milyong boto.

Ngunit upang maiwasan ang siksikan sa presinto ng mga botante kailangang bumili pa ng karagdagang makina na maaring laanan ng P16-bilyong pondo.

Samantala, nasa P60 billion kung touch screen ang gagamiting makina sa botohan.

Kapag naisumite na ng CAC ang rekomendasyon sa susunod na buwan, agad na dadalhin ng  poll body ang proposal sa Department of Budget  sa Mayo upang maihanda na ang  bidding sa Agosto.

“Ang gusto namin na pagdating ng 2015 at nandun na yung budget, diretso na kami mag-bidding na kaagad sa January,” saad ni Comm. Christian Robert Lim, Chairman ng COMELEC 2016 Elections Steering Committee.

Samantala, ayaw naman na makialam pa ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. sa paghahanda sa 2016 polls dahil magreretiro na siya sa susunod na taon kasabay ang dalawa pang senior commissioner.

Aniya, “Si Commissioner Lim and the Steering Committee will take all the problems of COMELEC .” (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481