MANILA, Philippines – Walang makakapigil sa pagsusumite ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) ng final pleading o tinatawag na memorial ng Pilipinas sa darating na Linggo.
Ayon Deputy Presidential Spokesperson Usec. Abigail Valte, ang pagdulog sa ITLOS ay pinag-aralang mabuti ng pamahalaan bago isagawa.
“For the Philippine government we can say all factors have been taken into consideration when the discussions being had on the matter of the arbitration.”
Nakasaaad sa memorial ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea partikular na ang sakop na teritoryo ng bansa.
Ito ay kaugnay ng ginagawang pag-angkin rin dito ng China na ang pinagbatayan ay ang kanilang tinatawag na nine-dash line.
Naniniwala naman ang Malakanyang na malaki ang maitutulong ng ITLOS sa usapin ng pagangkin ng teritoryo.
“Well assuming a favorable decision is rendered then that’s additional weight for the Philippine position when it comes because the fact of the matter that is a tribunal that is empowered really to pass judgment on this things based on International Law which is upheld by most countries that subscribe to it,” ani Valte.
Ayaw namang magkomento ng Palasyo sa umano’y banta ng China na papatawan ng sanction ang Pilipinas kung itutuloy ang pagsusumite ng memorial sa ITLOS.
“At least some reports maybe speculative and such may not prudent to us to comment so let’s just wait,” saad pa ni Valte. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)