Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Motion ni Napoles na St. Luke’s doctors ang mangasiwa ng kaniyang operasyon sa OsMak, pinayagan ng Makati RTC

$
0
0

FILE PHOTO: Facade of St. Luke’s Medical Center. Pinayagan na ng Makati RTC ang kahilingan ni Pork Barrel Scam suspect Janet Lim Napoles na ang mga doktor mula sa St. Luke’s ang magsagawa ng operasyon sa kanya na gaganapin sa Ospital ng Makati. (UNTV News)

MAKATI CITY, Philippines — Inaprubahan ng Makati RTC Branch 150 ang mosyon  ni Janet Lim Napoles na payagan ang kanyang mga pribadong doktor na siyang mag-opera sa kanya sa Ospital ng Makati o OsMak.

Sa dalawang pahinang mosyon na isinumite ng Makati government na na kumakatawan sa Ospital ng Makati sa Makati RTC, humingi ito ng pahintulot kaugnay ng hiling ni Napoles.

Inendorso sa Makati RTC Branch150 ang request letter ng mga abugado ni Napoles kay Ospital ng Makati director Perry Ishmael Peralta.

Ayon kay Peralta, pagbibigyan lamang ng kanilang ospital ang kahilingan ni Napoles kung maglalabas ng clearance of authority ang korte.

Kanina, ay pinagbigyan na ng Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda sina Dr. Elsie Badillo Pascua, Dr. Efren Domingo, Dr. Leo Aquilizan, Dr. Michael Lim Villa, Dr. Nick Cruz, at isa pang anesthesiologist, na operahan si Napoles, batay sa testimonya ni Peralta.

Kinakailang sumunod ang non-affiliated doctors sa standard of care sa isang pasyente; dapat rin silang sumunod sa mga batas, regulasyon at polisiya ng OsMak, at; magtatalaga ang Ospital ng Makati ng kinatawan sa medical team ng akusado.

Samantala, ang period of confinement kay Napoles sa OsMak ay ekslusibo lamang sa preoperative, intraoperatve at postoperatve procedures.

Upang maiwasan ang posibleng paghaba pa ng confinement ni Napoles sa OsMak, inaatasan ang attending physician nito at si Peralta na mgsumite ng progress report sa Makati RTC at sa prosekusyon hinggil sa kondisyon ng pasyente. (BIANCA DAVA / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481