Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

3rd batch ng mga reklamo kaugnay ng pork barrel scam, inihahanda na ng DOJ

$
0
0

“It’s a new batch. Ang mga common lang naman diyan, of course, sina Mrs. Napoles and yung sa mga implementing agencies — yun, ang mga more or less common. Pero yung lawmakers, every batch there ought to be new names.” — DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inaayos na sa ngayon ng Department of Justice ang mga dokumentong kakailanganin sa pagsasampa ng ikatlong batch ng mga reklamo kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon kay Secretary Leila de Lima, nakipagpulong na siya tungkol dito sa mga opisyal ng NBI at DOJ.

“Nag-inventory na kami kung ano na yung mga pwedeng isunod. May two sets na tinitingnan pa namin kung alin ang pwedeng unahin,” ani Sec. Leila.

Tiniyak ni De Lima na may mga bagong mambabatas na kabilang sa sasampahan nila ng reklamo.

Ngunit hindi tinukoy ng kalihim kung senador ito o kongresista.

Maari din aniyang sangkot pa rin ang mga NGO ni Janet Napoles sa ikatlong ng mga reklamo.

“It’s a new batch. Ang mga common lang naman diyan, of course, sina Mrs. Napoles and yung sa mga implementing agencies — yun, ang mga more or less common. Pero yung lawmakers, every batch there ought to be new names,” pahayag ng DOJ Secretary.

Dalawang batch na ng mga kaso ang naisampa ng DOJ kaugnay ng PDAF Scam.

Isang hiwalay na batch  ng mga reklamo ang isinampa ng ahensiya kaugnay ng maanomalyang paggugol sa pondo ng Malampaya.

Nito lamang nakaraang Martes, inaprubahan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at katiwalian laban kay Janet Napoles at sa tatlong senador na idinadawit sa scam. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481