Kadalasan pinoproblema ng mga smartphone users ang matagal na oras na paghihintay bago ma-fully charge ang kanilang mga cellphones.
Kaya naman, isang israeli company ang maglalabas sa mga susunod na taon ng smartphone battery technology na kayang ma-charge sa loob lamang ng tatlumpung segundo.
Sa video demo na inilabas ng StoreDot Company, gamit ang isang prototype ng StoreDot flash battery pinakita kung paano na charge ang isang low batt na cellphone sa loob ng 30 seconds.
Ayon sa founder ng Storedot na si Doron Myersdorf, isa pa sa features ng flash battery ay magpapatuloy parin itong mag-charge kahit inalis mo na sa charger outlet.
Ang Storedot flash battery ay kasing laki ng isang pakete ng sigarilyo.
Kaya naman ang malaking challenge ngayon sa kompanya ay kung papaano magkakasya ang flash battery sa mga nauuso ngayong smartphones. (REUTERS)