Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

4,000 ektarya ng fish pens, nakatada pang gibain ng Laguna Lake Development Authority

$
0
0

Isang mangingisda sa paligid ng mga fish pen sa Laguna de Bay o Laguna Lake. March 15, 2013 FILE PHOTO. (ROGELIO NECESSITO JR / Photoville International)

LAGUNA, Philippines — Maliban sa informal settlers na nasa watershed ng Laguna de Bay, isa pang malaking problema ng Laguna Lake Development Authority ang dami ng fish pens sa lawa.

Ayon kay Presidential Adviser for Environmental protection at LLDA General Manager Secretary Neric Acosta, gumagamit ng chemical-based pellets o feeds ang mga fish pen na nakakadagdag sa polusyon sa lawa.

Sinabi nitong halos tatlumpung libong ektarya ng Laguna de Bay ang may nakatayong fish pen.

Ani Sec. Acosta, “Up to date, 1,000 hectares na ang nademolish. Binuwag ang mga fish pen, mga illegal, nage-encroach. Patuloy ang ginagawang demolition. Target namin is at least 4-5k hectares pa ang lilinisin at bubuwagin.”

Paliwanag pa ng kalihim, karamihan sa mga fish pen operator ay hindi sumusunod sa mga environmental regulation.

May ilan pang  mga foreign operator na pinagkakaitan ang mga Pilipinong mangingisda na makapanghuli ng isda sa tinatawag na open water fishing.

“Yes. Ang dami pa (natirang fish pens). 20-30% ng buong lawa ay fish pens. Sa fisheries code, dapat less than 10%. Congested na masyado.”

Ayon kay Acosta, nasa walong libong ektarya ng fish pens lamang ang dapat na nakatayo sa lawa, upang hindi ma-pollute ang  tubig, at hindi kapusin sa oxygen ang mga isda, na nagiging sanhi ng fish kill.

“We are doing our best: inventory, tamang registration, GPS technology, nagpapaself demolish kami, strict implementation. Hindi namin sinasabi na tanggalin ang hanapbuhay. Binabalanse lang ang public health sa negosyo.”

Samantala, may mga mangingisda rin na nagkusa nang gibain ang kanilang fish pen tulad ni Mang Willie Binebidez, “Dala po kasi ng kalamidad, mga bagyo, kapagka nasira, lugi ang puhunan. (kusa po kayo tumigil? Hindi po kayo kasama sa pinademolish?) Hindi naman po.”

Isa rin sa dahilan ng pag-demolish sa mga fish pen ay upang maibsan ang pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan.

Tinatayang tatagal ang ginagawang fish pen demolition hanggang sa susunod na taon. (BIANCA DAVA, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481