Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Cedric Lee, Deniece Cornejo et. al, pinakakasuhan na; rape case vs Vhong Navarro, dismissed

$
0
0

FILE PHOTO: Vhong Navarro and CCTV snapshots of Cedric Lee, Denise Cornejo and companions (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan na sa korte sina Cedric Lee at Deniece Cornejo kaugnay ng pambubugbog kay Vhong Navarro sa loob ng isang condominium unit sa Taguig City nitong nakaraang Enero.

Kasong serious illegal detention at grave coercion ang inaprubahan ng Department of Justice  o DOJ laban kina Cornejo at Lee at sa mga kasamahan nito na sina Bernice Lee, Zimmer Raz, Jose Paolo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Fed Fernandez.

Ayon sa prosecution panel ng DOJ, malinaw na pinigil si Navarro nang labag sa kanyang kalooban mula nang makapasok ito sa condo unit ni Cornejo at hanggang ilabas ito matapos bugbugin.

Sa mga pagkakataong ito, wala umanong makawala ang aktor sa grupo ni Cedric Lee dahil sa pambubugbog, panunutok ng baril at patuloy na pagbabanta sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang pamilya.

Kayat mula sa serious physical injuries at grave threat, itinaas ng panel ang kaso sa serious illegal detention, isang non-bailable offense o hindi maaaring piyansahan.

Pahayag ni DOJ Sec. Leila De Lima, “Irrespective of the duration, kapag may infliction of serious physical injuries and lalo na may grave threats at may extortion tantamount to ransom, it does not matter kung ilang oras ka lang [kinulong], kahit less than one day basta ba you are being deprived of your will, para sa panel, klarado yun sa kanila that he was being deprived of his will at that point when those men ganged up on him, kaya nga nagka-qualify as serious illegal detention.”

Pasok naman sa kasong grave coercion ang pamililit kay Navarro na aminin nito na umano’y ginahasa niya si Cornejo.

Samantala, dinismiss naman ng DOJ ang kasong rape na isinampa ni deniece laban kay navarro dahil sa kawalan ng sapat na basehan.

Ayon sa DOJ panel, mahirap paniwalaan na wala man lang nakapansin sa ingay at komosyon ng umano’y panggagahasa ng aktor kay Cornejo.

Hindi rin anila kapani-paniwala na matapos ang panggagahasa sa kanya ay nagawa pa ni Deniece na kumain sa labas kasama ang mga kaibigan.

Dinimiss din ng DOJ panel ang reklamong obstruction of justice laban sa mga security guard ng condominium.

Isasampa ang mga kaso sa regional trial court ng Taguig City.

Wala ring inirekomendang piyansa para sa mga akusado. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481