Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Problema sa MRT, pipiliting masolusyunan ng Aquino administration

$
0
0

FILE PHOTO: An MRT-3 Train passes along EDSA near Malibay-Evangelista (Pasay-Makati) area, October 1, 2013. MRT-3 Line runs from Taft Avenue Station in Pasay City to North Avenue Station in Quezon City along the long stretch of EDSA in Metropolitan Manila. (ELDON TENORIO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Sa taong 2015 pa maaring maibsan ang hirap ng mahabang pila ng mga pasahero sa Metro Rail Transit  tuwing peak hours sa North at Taft Avenue Stations.

Ayon kay Presidential Communication and Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., batay sa pahayag ng DOTC at MRT management sa susunod na taon pa inaasahang darating ang mga bagong bagon ng MRT 3.

Dahil dito muling humingi ng paumanhin ang malakanyang sa publiko sa nararansan nilang hirap sa pila bago makasakay .

Ani Sec. Coloma, “Humihingi po kami ng paumanhin at pag-unawa sa ating mga kababayan sa kanilang mga dinaranas na sakripisyo araw araw”.

Ilang suhestyon na rin ang nakarating sa Malakanyang mula sa mga commuter upang kahit papaano ay umikli ang pila sa ilang istasyon ng tren.

Dagdag pa ni Coloma, “DOTC MRT 3 could allow again passengers  to turn around for example going North to Quezon City they can board from Buendia and Ayala Station or going South Board at GMA be allowed to turn around, dati naman daw ay pinapayagan ng MRT management ang turn around at kung papayagan muli, mapapaikli any mahabang pila lalong lalo na sa North Station at EDSA-Taft… ipaparating po natin sa pamunuan ng DOTC MRT 3 ang suhesyon na ito.”

Ipapaabot na rin ng malakanyang sa dotc ang panukalang bigyan ng performance target ang maintenance contractors ng mrt upang mas maraming bagon ang magamit .

Ayon sa Kalihim, pipilitin din ng pamahalaan na hanggang sa 2016 ay tuluyan nang malunasan ang problema  sa MRT. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481