Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga residente sa mga lugar maapektuhan ng water suppy disruption sa april 16-19, nag-iimbak na ng tubig

$
0
0

FILE PHOTO: Nag-iigib ng tubig (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mawawalanng tubig sa ilang lugar na sine-serbisyuhan ng Maynilad Water Services Incorporated simula sa Miyerkules, Abril 16 hanggang Sabado, April 19.

Ayon sa water concessionaire na nakakasakop sa labing pitong lungsod at munisipalidad sa west zone ng Metro Manila at ilang lugar sa Cavite, ang naturang water supply disruption ay sanhi ng isasagawang flood interceptor project ng Department of Public Works and Highways.

Pahayag ni Maynilad VP for Corporate Communications Bim Ocampo, “Meron silang ginagawang proyekto na direktang tatama sa napakalaking tubo ng Maynilad sa bandang Juan Luna at Hermosa St. sa Maynila. Ang gagawin kasi natin, huhukayin natin yung napakalaking tubo tapos ide-drain natin yung tubig, puputulin natin saka natin huhukayin ulit para mapailalim yung tubo. Tapos nun ikakabit yung bagong tubo, iwe-welding saka pa lang natin pwedeng buksan ulit  para mapuno yung tubo.

Kabilang sa mga maapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Manila, Cavite City, Noveleta, Bacoor, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque.

Kaya ngayon pa lang ay nag-iimbak na ng tubig ang mga residente na maapektuhan ng service interuption.

Upang maibsan naman ang epekto ng service interuption, magsasagawa ng water rationing ang Maynilad sa mga lugar na pansamantalang mawawalan ng tubig.

Dagdag ni VP Ocampo, “Sa ngayon meron tayong 78 water tankers na ide-deploy mula alas-6 ng umaga. Pero ang priority natin ay yung mga lugar na makakaranas ng ng tatlong araw o 72-hours straight na water service interuption.”

Kung meron mga apektadong customer na mangangailangan ng dagdag na water supply maari ang mga ito na tumawag sa Maynilad Hotline 1626. (HAZEL VALERA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481