Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bureau of Quarantine, naka-alerto na kaugnay ng MERS-Corona Virus

$
0
0
“Ang Bureau of Quarantine ay inatasan na ni Sec. Ona na sikaping mabuti na matyagan mga dumarating na pasahero at kung meron ilan sa kanila na nai-screen na merong lagnat o ano pa man.” — DOJ Assistant Secretary Eric Tayag (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inatasan na ng Department of Health ang Bureau of Quarantine na bantayan ang ating mga kababayan na darating sa bansa mula sa Middle East.

Pahayag ni DOJ Assistant Secretary Eric Tayag, “Ang Bureau of Quarantine ay inatasan na ni Sec. Ona na sikaping mabuti na matyagan mga dumarating na pasahero at kung meron ilan sa kanila na nai-screen na merong lagnat o ano pa man.”

Ito ay kaugnay ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS COV kung saan isang Pilipino ang nasawi noong April 10.

Ayon sa DOH mayroong dalawang uri ang MERS COV, ito ang primary at secondary type.

Ang primary type ay uri ng virus na nakukuha mula sa hayop, samantalang ang secondary type naman ay nakukuha sa pamamagitan ng pagkahawa sa isang taong apektado na ng virus.

Hinala ng mga eksperto, maaring nagmumula ang MERS-Corona virus sa mga kamelyo. (UNTV News)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481