Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

No travel restrictions, patuloy na ipatutupad sa Middle East kahit na may naiulat na kaso ng MERS-Corona virus — Malacañan

$
0
0

A man, wearing a surgical mask as a precautionary measure against the novel coronavirus, walks near a hospital in Khobar city in Dammam. REUTERS/Stringer

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malacañang na patuloy silang nakikipagtulungan sa  mga bansa sa Gitnang Silangan upang matiyak na ligtas sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-COV ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa naturang lugar.

Pahayag ni Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr, “The embassy is continuously coordinating with the health authority of abu dhabi in monitoring cases of filipinos possibly affected with mers coronavirus and the dfa urges filipino nationals to heed the advice given by health authorities.”

Ayon pa kay PCOO Sec. Coloma, nagpadala na rin ang pamahalaan ng isang grupong titingin sa kondisyon ng mga Pilipino sa ilang lugar sa Middle East.

“The government is providing assistance to Filipino nationals based in these areas. The Department of Foreign Affairs through the Philippine Embassy in Abu Dhabi dispatched on April 12 an Assistance-to-Nationals (ATN) team to Al Ain (1.5 hours from Abu Dhabi) to determine the condition of the Filipinos who were reported to have contracted the MERS Corona virus infection.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Pangulong Aquino ang Department of Health na magpaalala sa publiko upang makapag-ingat sa naturang nakamamatay na sakit.

Sa advisory na inilabas ng DOH, nananatiling walang travel restrictions sa Middle East dahil walang epidemic o  wala namang outbreak ng MERS-COV.

Bilang pag-iingat, pinapayuhan ang mga Pilipinong pupunta sa Middle East na umiwas sa mga taong may lagnat, at laging maghugas ng kamay.

Sa mga nagbalik-bayan naman na nanggaling sa Middle East na nagkaroon ng sakit o trangkaso, pinapayuhang huwag munang pumunta sa mga mataong lugar at agad na kumunsulta sa doktor.

Gayundin ang mga taong bumisita sa naturang mga bansa na sa kasalukuyan ay nakararanas ng respiratory illness ay pinapayuhang magpa-test agad kung positibo sa MERS Corona Virus infection.

Patuloy rin ang pagmo-monitor ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa mga paliparan upang matiyak na ligtas ang bansa sa MERS-COV.

Ayon sa World Health Organization, kabuuang 228 kaso na ang nakumpirmang may MERS-COV, mahigit 90 dito ay  namatay.

August 2013 naiulat ang pagkamatay ng isang 41 year-old na Pinay sa Middle East dahil sa MERS-COV infection.

Nito lamang Abril, iniulat ng UAE Ministry of Interior ang pagkamatay ng isang OFW na umano’y positibo rin sa naturang sakit.

Ang MERS-Corona virus ay isang matinding respiratory illness, pangunahing nakararanas ang taong positibo sa sakit na ito ng lagnat, ubo at pagtatae. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481