Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senate Blue Ribbon, wala pang planong magpatawag muli ng PDAF scam probe kasunod ng mga pagsisiwalat ni Napoles

$
0
0

FILE PHOTO: Pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naglabas ng opisyal na pahayag si Senador Teofisto Guingona III ang chairman ng Blue Ribbon Committee ukol sa liham sa kanya ni Senador Miriam Santiago na magsagawang muli ng PDAF Scam probe

Kaugnay ito ng paglalahad ni Janet Lim-Napoles ng mga nalalaman niya sa pork barrel scam kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay Guingona nagpasiya ang Blue Ribbon Committee na maging maingat sa mga hakbang na gagawin  kaugnay sa muling pagsasagawa ng probe sa pork barrel scam.

Sinabi ni Guingona na hihintayin muna ng Blue Ribbon Committee na matapos ni Secretary De Lima sa pag-dokumento sa mga pahayag ni Napoles.

Dagdag pa ng Senador na kapag na-i-sumite na sa Blue Ribbon Committee ang affidavit ni Janet Lim-Napoles, susuriin muna nila ito bago magdesisyon

Binatikos naman ni Senador Miriam Santiago ang mga nasa likod ng panibagong isyu at tinawag na diversionary tactics lang upang siraan ang Aquino administration at ilihis ang tunay na kaso.

“The aim of the psywar campaign is to discredit the Aquino administration, and distract public attention away from the trial and prosecution of those charged with plunder… This is a diversionary tactic, very similar to the so-called Zamboanga uprising.  Both are bankrolled heavily,” ani Sen. Miriam.

Samantala, ipinauubaya naman Senate President Franklin Drilon sa komite ang desisyon sa muling pag-sasagawa ng PDAF probe sa Senado.

Ipinahayag rin nito na isang black propaganda ang lumabas an ulat na kasama sya sa listahan ni Napoles.

“I wish to say once more that insofar as I am concerned, my name is not and will never be in any list because I have not assigned a single peso of my PDAF to any NGO of Mrs. Janet Napoles.”

Sa huli sinabi ni Drilon na anumang alegasyon ay kailangang sinusuportahan ng documentary evidence. (BRYAN DE PAZ, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481