MANILA, Philippines – Lalo pang dumami ang kritisismong ipinupukol ng mga South Korean sa kapitan ng lumubog na Sewol Ferry.
Ito’y matapos ilabas ng South Korean coastguard ang isang 10-minute video ng kanilang rescue operation kung saan natukoy na isa sa mga nagkukumahog na makalikas ay ang kapitan ng barko na si Lee Joon Seok.
Ayon sa coastguard, hindi nila matukoy kung crew o pasahero ng barko ang kanilang inililikas ng mga sandaling iyon dahil sa kanilang pagnanais na mailigtas ang lahat ng sakay ng lumulubog na barko.
Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang 15 crew ng lumubog na barko na nahaharap sa maraming kaso.
Sa kasalukuyan ay nasa 189 na ang kumpirmadong nasawi habang nasa 113 ang patuloy pang hinahanap ng mga otoridad. (UNTV News)