Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga sundalong Pilipino, hindi nakaligtaang purihin ni US Pres. Obama

$
0
0

Ang pakikipagkita ni US President Barack Obama sa mga Amerikano at Filipino troops sa Taguig City ilang oras bago siya umalis ng bansa nitong Martes, 29 April 2014 bilang bahagi ng kanyang state visit. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Napahanga si US President Barack Obama sa mga sundalong Pilipino na mabilis na rumesponde matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda sa central at eastern Visayas noong Nobyembre 2013.

Aniya, hindi matatawaran ang kakayahan ng mga ito na tumugon sa sitwasyon kasama ang mga sundalong Amerikano na agad din na nagdala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi pa ng pangulo ng Amerika na nagpapakita lamang ito ng magandang samahan at kooperasyon ng dalawang bansa lalo na sa mga oras ng pangangailangan.

“They worked together… Filipinos and Americans, setting up a medical station, clearing debris from the runway, reopening that airport, Filipino soldiers unloading aid from American cargo aircraft, American troops loading supplies on to Filipino helicopter. And when all the cargo were unloaded, our troops worked together to help local residents aboard so they could be evacuated to safety.”

Hindi rin nakalimutang kilalanin ni President Obama ang mga Filipino war veterans na naging katuwang din ng Amerika noong World War II.

Nagpapatunay lamang ito ng matagal nang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa sa pagkamit ng katarungan at kapayapaan.

“There’s a connection between our proud veterans from World War II, our men and women serving today. Bound across the generations, the spirit of our alliance. Filipinos and Americans standing together shoulder to shoulder.” (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481