MANILA, Philippines – Dinayo ng mga residente sa limang barangay sa Pasay City ang ikalawang UNTV Action Center Peoples’ Day na isinagawa sa Paez Elementary School sa Malibay, Pasay City nitong Biyernes, Abril 25, 2014.
Isa si Lola Arcenia Cortez, 82 anyos sa libreng nabiyayaan ng libreng serbisyo medikal ng UNTV Action Center.
Ayon sa kanya, ipinachek up niya ang madalas na paghapdi ng kanyang tiyan at mabilis na panlalabo ng kanyang mga mata.
Matapos suriin ng doctor ay binigyan na rin si Lola Arcenia ng libreng gamot para sa kanyang karamdaman.
“Malaking tulong po ang medical mission sa mga mahihirap na makalibre ng mga gamot gaya namin wala kaming pambili ng gamot,” pahayag ng matanda.
Ang ilang pasyente naman, masayang umuwi dahil libre ang kanilang pagpapagamot.
Ayon kay Lisa Avilla, pasyente, sa halip na gastusin sa pagpapakunsulta sa doktor ay ibinibili na lamang nila ng pagkain ang kanilang kaunting pera.
“Nakakatipid po kami kasi ang mahal mahal sa labas magpagamot mahigit libo, tulad sa aking walang trabaho umaasa lang sa mga anak ko,” saad nito.
Samantala, kabilang ang isang ginang na nagtamo ng malubhang paso sa magkabilang binti ang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.
Bukod sa medical consultation, mayroon ding legal consultation, libreng gupit at masahe, MTRCB matalinong panunuod, at UNTV News and Rescue Team first aid and safety seminar.
Naroroon rin ang programang Huntahang Legal upang magbigay ng libreng legal advice sa mga residente lugar.
Naroroon rin ang Philhealth na nagbigay ng assistance at impormasyon sa mga kababayan natin na may problema sa kanilang membership.
Nagpapasalamat naman si Kapitana Joan Flores ng Barangay 157 dahil masuwerteng napili ang kanilang lugar para sa libreng gamutan.
Kabilang sa mga naging katuwang ng UNTV Action Center upang maghatid ng libreng serbisyo sa mga mahihirap ang mga sumusunod:
- Ang Dating Daan Foundation International Inc
- Untv News and Rescue
- Kamanggagawa Foundation Inc
- Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
- Philhealth
- Manila Doctors Medical Center
- Army General Hospital
- Armed Forces of the Philippines Reserved Command
- 1st Civil Military Operation Company
- Cut Encarnacion Salon
- I Learn
- Red Bull
- 1st Avenue Advertising and Design Corporation
- Alba Catering
- Pocari Sweat
- Timoteo Paez Elementary School
“Every month iikot ang UNTV Action Center sa bawat barangay dahil marami na talaga ang nakapila sa UNTV Action Center,” pahayag ni Jo Gonzales, host ng Mr. Public Service.
Dagdag nito, “Ang ginagawa namin depende sa pangangaiangan nila at sa services natin kung may pangangailangan pa sila, dinadagdagan natin ang service to that particular barangay.” (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)